Thursday, December 27, 2012

Best Pinoy Jokes of 2012


BEGGAR : Please give alms to poor me, can I have a piece of cake ?
BAKERY Owner : A choosy beggar, here, a pan de-sal . Gusto mo pa cake ha?
BEGGAR : I would prefer cake because its my birthday today.

SON : Dad, take care, they sometimes go wayward. Beware of those DUMB TRUCKS…!
Daddy : Son, What do you mean, dumb trucks?
SON : Dad, those that carry large, heavy  cargoes, with ten wheels…!
DADDY : Son, Those are not dumb truck, you call them …TEN MILLER.

BOY : Lahat ng ginagawa ko mali, I am not a good son to you, hindi nyo ako mahal …!!
FATHER : Anak, Nagkakamali ka doon..!
BOY : Oh tamo na ! Mali na naman ako!!!

NANAY : Naku itong anak ko, Ang lakas mo kumain pero di mautusan…!
ANAK : Kapag yung alagang baboy natin malakas kumain, natutuwa kayo, Sino ba talaga ang anak nyo?

BOYFRIEND : May ibibigay akong gift sa iyo, pero hulaan mo!
GIRLFRIEND : Sige, clue naman…
BOYFRIEND : Kailangan ito ng leeg mo…
GIRLFFRIEND : Kwintas?
BOYFRIEND : Hindi, …Panghilod ! !

JUDGE : Ano ba talaga nangyari ha?
NASASAKDAL : (Hindi nagsasalita’)
JUDGE ; Sumagot ka na sa tanong…
NASASAKDAL : Naku! Akala ko eh hearing lang to. Bakit may speaking ?

FROG : Oh my fairy, …What does my future hold?
FAIRY : You’ll meet someone who wants to know you, …everything about you.
FROG : Yeah, …Great! …Will I meet her in a party?
FAIRY : No, …in Biology class.

NANAY : Mga anak, alam ba ninyo na bawa’t butil ng palay ay nagmula sa pagod at pawis ng mga magsasaka?
MGA BATA’ : eeeewwwwww! ! !

DUKTOR : Umubo ka!
PEDRO : Ubho! Ubho! Ubho!
DUKTOR : Ubo pa!
PEDRO : Ubho! Ubho! Ubho!
DUKTOR : Okay….
PEDRO : Ano po sakit ko doc ?
DUKTOR : . . .Ubo, . . .May ubo ka….

NANAY : Ang Ten Commandments ay ang sampung utos ng Diyos…
ANAK : Mas makapangyarihan po’ pala kayo kesa sa Diyos, nay !
NANAY : Bakit naman anak?
ANAK : Mas marami po’ kayong utos sa akin eh….


PEDRO Batumbakal : Ako, natapos ko ay education, ang tawag sa akin ay SIR Batumbakal…
TEOFILO Calma : Ako ay abogasya, ang tawag sa akin ay ATTORNEY Calma…
PAMFILO Dokturan : ako, nakatapos ng medicine, ang tawag sa akin ay DOCTOR Dokturan…

MEKANIKO : Sir, hindi ko po’ naayos ang preno ng kotse eh…
CUSTOMER : Ha?! Paano iyan?
MEKANIKO : Nilakasan ko na lang po’ ang busina! Happy trip na lang po’!

BOY : Tulungan nyo naman ako sa homework ko, …Find the least common denominator.
DAD : Ha? Aba’y grade three pa lang ako eh hinahanap na yan ah! Aba’y di pa ba nila nakikita?

Anong sinasabi ng alupihan nang makasalubong niya ang isa pang centipede ?
Uy brother! …Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! Apir! … …

TITSER : Bakit late ka Edong ?
EDONG : Nahulog ho kasi yung 500 peso bill nung mama’…
TITSER : At tinulungan mong maghanap ?
EDONG : Hindi po’…Tinapakan ko lang po’ hanggang umalis siya, …kaya po ako late.

-source

No comments:

www.HyperSmash.com