Hayden Kho launches perfume business in grand style |
Tila iniwanan na ni Hayden Kho ang madilim niyang nakaraan sa launch ng Hayden, ang kanyang bagong perfume business noong Huwebes ng gabi, October 22, sa Nuvo, Greenbelt 2, Makati City.
Noong nakaraang taon, nalagay si Hayden sa matinding kontrobersiya matapos kumalat sa Internet ang ilang mga sex video na nagtatampok kay Hayden at sa iba't ibang mga babae, kasama ang sexy actress na si Katrina Halili.
Nag-file si Katrina ng criminal case laban kay Hayden. Nagkaroon pa ito ng Senate investigation kung saan ilang oras ding nilagay sa hot seat si Hayden sa harap ng ilang mambabatas na interesado umano sa kaso.
Natanggal din ang lisensiya ni Hayden bilang doktor, at tuluyan na rin siyang nawala sa mundo ng showbiz. May mga umugong na balitang nagtangka raw magpakamatay si Hayden.
ANG PAGBABALIK NI HAYDEN. Itinuturing na malaking event ang naganap na launch ng perfume business ni Hayden dahil ito ang unang pagkakataon na muli siyang humarap sa publiko isang taon matapos magsimula ang iskandalo.
Sa katunayan, grand entrance ang naganap na pagpasok ng dating cosmetic doctor-model-actor sa naturang event. Ganap na 8:30 p.m., umugong ang tunog ng drums sa venue habang may isang moving platform na naghatid kay Hayden sa tuktok ng hagdan na nasa stage. Nakatutok kay Hayden ang spotlight habang dahan-dahan siyang bumaba sa hagdan. Tuloy-tuloy naman ang palakpakan ng mga nanonood na bisita.
Tumutulo man ang kanyang luha, nakangiti pa rin si Hayden habang nagkukuwento sa kanyang mga bisita.
Pahayag niya, "The thing is, a few years ago, I got myself into trouble. I faced the darkest moment of my life. And it was very, very difficult for me... But then again there's a saying, 'Every cloud has a silver lining...'
"I'm the type of person who's very kinesthetic. You know, I'm never satisfied with just looking at things. I always feel compelled to touch and smell things. I guess that's what got me into trouble before."
Pinaliwanag din niya kung bakit ang paggawa ng pabango ang naisip niyang gawing negosyo.
"When I was in med school, I read a scientific study that fragrance is linked to emotions. I became intrigued and I wanted to know why. But I had too many things to study and I kinda put that on the back burner. And then there was my medical career... and then my showbiz career, and things got chaotic...
"What I wanted to do was to find a new inspiration. I wanted something that could excite me, something very special. I wanted a fragrance like that... I guess when I couldn't find it, I decided to make it myself," saad ni Hayden.
Sa isang panayam ng PEP (Philippine Entertainment Portal) matapos ng launch, sinabi ni Hayden na noong January pa niya naisip pumasok sa naturang business.
"It took us a while kasi ayoko talagang pumasok nang walang alam, e. Yung mga ilalabas naming fragrances, talagang iba-iba. Ayoko yung okay na 'yan, okay na 'yan," he said.
Pumunta pa raw si Hayden sa France para pag-aralan ang perfume-making.
"This is a line of fragrances created in Paris. We have 13 variants and we categorized it based on personality. For every personality, we have a certain perfume," saad niya.
Nang tanungin si Hayden kung ano ang kanyang nararamdaman, mabilis ang kanyang sagot: "Siyempre, masayang-masaya ako."
Masaya rin daw siya para sa kanyang ina na si Irene, na nasangkot din sa kontrobersiya nang may nasabi siyang mga pahayag laban kay Katrina sa isang interview.
Ani Hayden, "My mom is not that young anymore. Hindi niya kailangan yung ganitong problema."
SUPPORT AND ENCOURAGEMENT. Dumalo sa perfume launch si Dra. Vicki Belo, na nagsabing "very proud" siya para sa kanyang partner na si Hayden.
Kasama rin sa mga bisita ang ilan sa mga kaibigan ni Hayden sa mundo ng showbiz—Richard Gutierrez, Anne Curtis, Solenn Heusaff, Erwan Heusaff, Chris Cayzer, Raymond Gutierrez, Bubble Paraiso, Matteo Guidicelli, Toni Rose Gayda, Cacai Velasquez, Ramon Mitra, at Tessa Prieto-Valdes.
Nandun din ang dating asawa ni Dra. Vicki na si Atom Henares, ang ina ni Hayden na si Irene, ang kanyang lawyer na si Atty. Lorna Kapunan, at ang kanyang perfume-making mentor na si Arnaud Rochet.
Ilan sa kanila ang nagbigay ng mensahe.
Ayon kay Irene, masaya raw siya para sa anak niyang parang nabunutan ng tinik.
Ayon naman kay Atty. Kapunan, "Congratulations, Hayden! As your law firm, we assure you that you would be practicing medicine soon and this perfume is a good way to keep you happy... Mabuhay ka, Hayden!"
-source
No comments:
Post a Comment